Napatay Na Drug Suspects Sa Ilalim Ng “Project Double Barrel” Ng Pnp, Umabot Na Sa Mahigit 1, 700

18

MANILA – Umabot na sa 1,725 ang bilang ng mga drug suspect na napapatay sa mga lehitimong operasyon sa ilalim ng ‘project double barrel’ ng Philippine National Police (PNP).Sa datos ng PNP, ang nasabing bilang ng mga napatay na suspek ay 0.2 percent lamang ng 751,703 na mga boluntaryong sumuko.Ayon kay PNP spokesperson Sr. Supt. Dionardo Carlos – 54, 702 sa kabuuang bilang ng mga sumuko ay mga self-confessed pusher habang 697, 001 sa mga ito ang users.Habang umabot naman na sa 31, 629 ang mga naaresto.Samantala, sa panig ng pulisya, pitong pulis na ang napapatay sa mga anti-illegal drugs operations habang 24 naman ang nasugatanTatlo naman ang naitalang patay sa panig ng militar habang walo ang nasugatan.

Facebook Comments