Manila, Philippines – Duda si Gabriela Rep. Arlene Brosas sa kautusan ng Malacañang na bigyan ng libreng pagpapa-ospital ang mga kabataang naturukan ng Dengvaxia Vaccine.
Ayon kay Brosas, hindi sila kumbinsido sa anunsyo ng Palasyo dahil hindi naman sigurado kung saan kukunin ang pondo para dito.
Aniya, kinaltasan pa nga ngayong taon sa ilalim ng 2018 national budget ang pondo para sa mga Public Hospitals ng P1.4 Billion.
Kinakailangan aniya na may sapat na pondo ang mga Public Hospitals para maibigay sa mga Dengvaxia victims ang health services na kanilang kailangan.
Tinukoy ng kongresista ang pagsasaayos ng imprastraktura, availability ng mga gamot, hospital beds at sapat na bilang ng mga health workers na magaasikaso sa mga pasyente.
Facebook Comments