PONDO | Block grant para sa itatag na Bangsamoro Government, ipinagtanggol ni Senator Zubiri

40

Manila, Philippines – Idinepensa ni Local Government Subcommittee Chairman Senator Migz Zubiri ang 72 billion pesos na Block Grant para sa itatatag na Bangsamoro Government.

Ayon kay Zubiri, hindi kalakihan ang nabanggit na pondo na magmumula sa taunang pambansang budget at pangangasiwaan ng lokal na pamahalaan.

Paliwanag pa ni Zubiri, mas malalaki pa ang natatanggap na pondo ibang rehiyon tulad ng sa Region 10 na umaabot sa 83 billion pesos kada taon, region 9 na 79 billion pesos at region 11 na 78 billion pesos.

Sa ngayon aniya ay nasa 33 billion pesos lamang ang Block Grant ng Autonomous Region for Muslim Mindanao o ARMM.

Facebook Comments