DUDA | National Anti-Poverty Commission, hindi naniniwala na paglipat sa federalism ang solusyon sa problema ng bansa

Manila, Philippines – Duda ang National Anti-Poverty Commission na magbabago ang kondisyon ng bansa sakaling magtagumpay ang isinusulong na pederalismo.

Ito ang sinabi ni NAPC secretary Liza Maza sa isinagawang paglulunsad ng librong Reforming Philippine Anti-Poverty policy.

Laman ng libro ang mga natukoy ng NAPC na mga sagka o roadblock sa pag angat ng kalagayang pangkabuhayan ng bawat maralitang Pilipino.


Nakapaloob din sa libro ang mga mungkahi tulad ng pagsusuri sa mga polisiya na nagpapatindi sa kahirapan at pag regulate sa Foreign Investment.

Ayon kay Maza, bibigyan nila si Pangulong Duterte ng kopya ng libro.
Biigyan diin ni Maza na kahit magbago ang sistema ng gobyerno mula presidensyal patungong Federal,kung hindi rin maipapatupad ang mga nailagay sa librong reforming Philippine anti-poverty policy, titindi pa rin ang kahirapan at walang magbabago sa kalalgayan ng buhay ng bawat maralitang Pilipino.

Hindi aniya ang sistema ng gobyerno ang dahilan ng kahirapan kundi ang mga problema na matagal na nandiyan pero hindi nasosolusyunan.

Facebook Comments