DUDA | Pagpigil ng Court of Appeals sa suspensyon sa apat na commissioners, panghihimasok sa kapangyarihan ng Ombudsman at tanggapan ng Pangulo

*Manila, Philippines – Umaalma si Bayan Muna Rep. Carlos Zarate sa pagharang ng Court of Appeals sa suspension na ipinataw ng Office of the Ombudsman sa apat na Commissioners ng Energy Regulatory Commission.*

*Paliwanag ni Zarate, ang pagpigil sa executory suspension na ipinataw sa mga ERC Commissioners ay panghihimasok sa kangyarihan at independence ng Office of the Ombudsman at sa Office of the President.*

*Malinaw naman aniya sa Sec. 7 ng Ombudsman rules na ang isang apela ay hindi maaaring makapagpapigil sa isang executory decision at dapat itong maipatupad agad.*


*Duda ang mambabatas sa naging hakbang ng CA dahil executory dapat ang desisyon ng Ombudsman at kanila rin itong ipinapanawagan noong una kay ERC Chairman Agnes Devanadera na ipatupad na.*

*Naglabas ng 60 days TRO ang CA para pigilan muna ang one year suspension kina ERC Commissioners Alfredo Non, Gloria Victoria Yap-Taruc, Josefina Patricia Asirit, at Geronimo Sta. Ana sa dahilang wala pa daw kasing nakikita ang tanggapan ng Pangulo na ipapalit sa mga ito.*

Facebook Comments