DUDA | Planong pag-angkat ng diesel sa Singapore, kinuwestyon ni Senator Gatchalian

Manila, Philippines – Kinuwestyon ni Committee on Energy Chairman Senator Win Gatchalian ang desisyon ng Philippine National Oil Company – Exploration Corporation o PNOC-EC Board na umangkat ng 2-bilyong pisong halaga ng diesel mula sa Singapore.

Duda si Gatchalian na ang naturang hakbang ay mainam na solusyon para mapagaan ang pagdurusa ng public utility drivers dulot ng mataas na presyo ng produktong petrolyo.

Paliwanag ni gatchalian, 31-percent lamang ng kinakailangang 161.1 million liters ng diesel ng mga pampasaherong jeep ang mapupunan ng aangkating diesel mula sa Singapore.


Katwiran pa ni gatchalian, walang katiyakan na makakarating sa mga jeepney drivers ang murang diesel dahil hindi lahat ng gasoline station ay makikilahok sa nabanggit na programa ng PNOC-EC.

Mungkahi ni Gatchalian, mas mainam na pag-ibayuhin pa ng pamahalaan ang Pantawid Pasada Program o ang tulong pinansyal na ipinagkakaloob sa mga jeepney drivers.

Mula sa 10-libong piso ay nais ni gatchalian na itaas ito sa 20-libong piso.

Facebook Comments