DUDA | Sen. Escudero, dudang matutugunan ng pederalismo ang mga problema ng bansa

Manila, Philippines – Bukas si Senador Chiz Escudero sa isinusulong ng administrasyon na pagpapalit sa porma na ating gobyerno patungong pederalismo.

Pero ayon kay Escudero, nais niyang marinig ang mga benepisyo at kabutihang maidudulot nito.

Duda kasi si Escudero na matutugunan ng pederalismo ang lahat ng mga problemang kinakaharap ng bansa.


Kabilang sa mga suliraning tinukoy ni Escudero ang tumataas na presyo ng bilihin, patuloy na pagkalat ng droga at kriminalidad.

Ikinatwiran ni Escudero na gumaganda naman ang takbo ng ating ekonomiya kahit na presidential ang kasalukuyang porma ng ating pamahalaan.

Sa tingin ni Escudero, may mga hakbang pang pwedeng gawin para matugunan ang mga problema ng bansa bago humantong sa pederalismo.

Facebook Comments