DUMAAN SA PROSESO? | Pag-hire ng Supreme Court sa I.T. consultant na si Helen Macasaet, natukoy na

Manila, Philippines – Inamin ng Chief of Staff ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno na si Maria Lourdes Oliveros na kaibigan niya ang kinuhang I.T. Consultant na si Helen Macasaet.

Si Oliveros umano ang nagpakilala kay Macasaet at kay Attorney Michael Ocampo na siyang Secretary ng Committee on Computerization ng Korte Suprema.

Iginiit naman ni Ocampo na dumaan sa proseso ang pag-hire kay Macasaet kung saan isinumite niya ang pangalan nito sa Bids and Awards Committee (BAC).


Ipinasilip nila sa BAC kung pwedeng idaan sa negotiated procurement ang pagkuha sa serbisyo ni Macasaet dahil highly technical ito.

Ibinida nito na nagsagawa sila ng Market Research para tukuyin kung karapat-dapat ang pasahod na 250,000 pesos kada buwan kay Macasaet.

Para patunayan sa mga kongresista na highly qualified ito sa posisyon ay inisa-isa ang kwalipikasyon at experience nito sa I.T. sa loob ng dalawang dekada.

Hindi naman kumbinsido ang ilang miyembro ng Justice Committee dahil hindi na nila nakikita na kailangan pang kumuha ng I.T. Consultant dahil nariyan naman si Carlos Garay na Chief ng Management Information System ng Korte Suprema at nagtataka din ang mga kongresista dahil pangalan lang ni Macasaet ang inirekomenda sa BAC.

Facebook Comments