NBA | Cleveland Cavaliers, patuloy ang pagbagsak

Sports – Hindi pa rin natatapos ang problema ng Cleveland Cavaliers.

Kahit lamang ng 21 puntos, natalo ang Cavaliers sa inspiradong laro ng Orlando Magic, 116-98 kanina.

Pinangunahan ni Jonathon Simmons ang comeback win ng Magic sa kaniyang 34 points.


Apat pa na Magic ang umiskor sa double figure para walisin ang 25 points ni Lebron James para sa Cavaliers.

Sa ibang laro panalo ang Toronto Raptors laban sa Boston Celtics, 111-91 samantalang wagi rin ang Houston Rockets kontra sa New Jersey Nets, 123-113.

Nalagpasan naman ng Los Angeles Lakers ang Phoenix Suns, 112-93.

Facebook Comments