Dumaguete City, nahigitan na ang naitatalang kaso ng COVID-19 sa NCR kada araw

Nahigitan na ng Dumaguete City sa Negros Oriental ang naitatalang Average Daily Attack Rate (ADAR) sa National Capital Region (NCR) noong kasagsagan ng COVID-19 surge.

Batay sa OCTA Research Group, nasa 51.58 ang ADAR sa Dumaguete simula June 4 hanggang June 10.

Ayon kay OCTA Research Fellow Professor Guido David, nakababahala ang naturang bilang na napakataas para sa naturang lungsod kumpara sa 40 cases kada 100,000 populasyon sa NCR.


Ang ADAR ay porsyento ng indibidwal na nagpositibo sa COVID-19 kada 100,000 populasyon na sumailalim sa test.

Facebook Comments