DUMAMI | Albay provincial government, nakabantay sa posibleng lahar flow dahil sa LPA – bilang ng mga lumikas na evacuees, nadagdagan pa

Manila, Philippines – Nadagdagan pa ang bilang ng mga evacuees na lumikas dahil sa pag-aalburuto ng bulkang Mayon.

Sa interview ng RMN kay Albay Governor Al Francis Bichara – umabot na sa 72,000 individuals o 18,000 families ang nanatili sa evacuation centers o nakitira sa kanilang mga kamag-anak.

Nakatutok aniya sila ngayon sa Low Pressure Area (LPA) na nagdadala ng pag-ulan sa Bicol region dahil sa banta ng lahar flow.


Umabot na sa halos 200 milyong piso ang halaga ng napinsala sa sektor ng agrikultura.

Kasabay nito, nagbabala rin ang phivolcs sa pyroclastic flow na pinaghalo ng mainit na abo, bato, gas at lava.

Kaninang alas-6:00 ng umaga, nagkaroon ng lava fountaining ang bulkan at ang ash column nito ay umabot ng 2,500 metro.

Nananatiling nasa alert level 4 ang bulkang mayon kung saan umiiral pa rin ang 8 kilometer permanent danger zone.

Facebook Comments