DUMAMI | Bilang ng nahukay na bangkay sa landslide area sa Moutain Province, umakyat na sa 18

44

Mountain Province – Umakyat na sa labing-walo (18) ang bilang ng mga narekober na bangkay mula sa landslide-hit area sa Natonin, Mountain Province noong kasagsagan ng bagyong Rosita.

Labing-isang iba pa ang patulong na pinaghahahanap ng mga rescuer.

Sa ngayon, nilimitahan muna sa dalawang kilometro mula sa ground zero ang search and retrieval operation dahil na rin sa pagtaas ng lebel ng tubig sa kalapit na creek.

Dahil din dito, naniniwala ang mga rescuer na posibleng inanod na ng tubig ang ilang katawan mula isabela papunta sa Cagayan.

Facebook Comments