Umabot na sa 259 ang bilang ng namatay mula 2011 hanggang 2017 dahil sa selfies.
Batay sa us national library of medicines, nanguna ang itaas ng bundok, matataas gusali at lawa sa mga lugar kung saan marami ang namatay dahil sa pagkuha ng delikadong selfies.
Karamihang dahilan ng pagkamatay ay ang pagkalunod, pagkasagasa at pagkahulog.
Isa sa mga rekomendasyon ng grupo ay ang paglalagay na lamang ng ‘no selfie zones’ sa mga lugar na delikado.
Inaasahan din na tataas pa ang nasabing bilang ngayong taon.
Facebook Comments