Dumaraming bilang ng extra judicial killings sa bansa, ikinabahala ng Estados Unidos

Manila, Philippines – Ikinabahala na ng Estados Unidos ang dumaraming bilang ng mga nabibiktima ng extra judicial killings sa bansa.

Ayon kay Patrick Murphy, Deputy Assistant Secretary of State for Southeast Asia, kaisa ng Pilipinas ang Amerika sa kagustuhang masugpo ang droga.

Pero nakakabahala na aniya ang mga operasyong isinasagawa ng labag sa batas.


Kasabay nito, hinimok ni Murphy ang gobyerno ng bansa na tupadin ang sinabi nitong imbestigahan ang naturang mga pagpatay.

Facebook Comments