Lapu-Lapu, Cebu – tiniyak na ligtas matapos makita ang presensya ng dalawang armadong lalaki

20

Manila, Philippines – Bigo ang mga otoridad na matunton ang dalawang armadong lalaki na nakita sa Lapu-Lapu sa lalawigan ng Cebu.

Ayon kay P/Sr. Supt. Rommel Cabagnot, hepe ng Lapu-Lapu pulis, agad silang nagpatupad ng man hunt operation sa buong Lapu-Lapu at sa mga kapalit na isla pero wala silang nakitang presensya ng dalawang armadong lalaki.

Gayunman, narekober naman ng otoridad ang ilang kagamitan sa barangay San Vicente kasunod ng isinagawa nilang manhunt operations.

Tiniyak naman ni Lapu-Lapu Vice Mayor Marcial Ycong, na nanatiling ligtas sa kanilang lugar.

Umapela naman ang otoridad sa publiko na huwag matakot at tiniyak nilang mas hihigpitan pa nila ang pagbabantay sa mga pasukan ng bangka sa nasabing lugar.
Nation

Facebook Comments