Inihayag ng Private Hospitals Association of the Philippines, Inc. (PHAPi) na tumaas ang bilang ng mga severe at kritikal na kaso ng COVID-19 nitong mga nakaraang linggo.
Sa Laging Handa briefing, sinabi ni Dr. Jose Rene de Grano, Presidente ng PHAPi na karamihan sa mga tinatamaan ng COVID na nauuwi sa kritikal ay mga immunocompromised o mayroon nang mga dating sakit.
Sinabi pa ni De Grano na marami sa mga nakatatandang naa-admit dahil sa COVID-19 ay hindi mga bakunado.
Pero, sinabi ng doktor na manageable pa naman ang dami ng mga tinatamaan ng COVID na nao-ospital dahil kahit tumaas ang severe cases ay hindi naman ito kasingdami dati na talagang dumagsa ang mga pasyente.
Facebook Comments