Alas-8:02 kaninang umaga nang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3 ang 1.5 million na bakuna ng Sinovac na binili ng pamahalaan.
Ito ay dinesinfect muna bago tinanggap ng matatas na opisyal ng gobyerno.
Prayoridad na mabigyan ng bakuna ay yung mga tuturukan ng 2nd dose, ito ayon sa isang opisyal ng Department of Health (DOH).
Ikakalat sa buong bansa ang dumating na 1.5 milyong Sinovac habang karamihan dito ay mapupunta sa National Capital Region (NCR) plus.
Sa ngayon, dadalin muna sa storage facility sa Marikina ang bakuna at ipapamahagi na kapag naglabas na ang Food and Drug Administration (FDA) ng Certificate of Analysis (COA) para masiguro ang kalidad ng bakuna.
Facebook Comments