Manila, Philippines – Asahan na ang steady supply o tuloy tuloy na bentahan ng murang bigas.
Dumating na sa bodega ng NFA sa Visayas Avenue, Quezon City ang 13 cargo trucks na may kargang 400 hanggang 800 bags ng regular milled rice mula sa Nueva Ecija.
Ito ay bahagi ng tulong sa bayan commitment ng mga rice traders na unang nakapulong ni President Rodrigo Duterte.
Ayon kay NFA Spokesperson Rex Estoperez, mabibili na ang 39 pesos per kilo na bigas sa mga service outlets na tinukoy sa Baclaran at sa mga palengke sa Quezon City katulad ng Commonwealth, LITEX, Silangan Payatas at Sauyo Market Susano Market Greenfield 1.
Magsisimula namang marandaman sa ibang palengke sa NCR ang murang bigas sa April 18.
Ayon sa Grains Retailers Association of the Philippines o GRECON, mga accredited rice retailers ang papayagang direktang magbenta sa mga consumers.
Upang matiyak na makikinabang ang marami sa murang bigas, lilimitahan lamang sa 3 kilos per custumer ang bebentahan.
Ayon kay Victor Del Rosario ng Nueva Ecija Rice Millers, lugi na sila sa 39 pesos dahil 42 pesos sana ang benta nila.
Pero, handa silang magsakripisyo hanggang wala pa ang imported rice.