Dumating na sa bansa ang source code na gagamitin sa 2022 elections na nagmula pa sa Estados Unidos

Sa ilalim ng poll automation law, sinasabi na ang source code ay isang human readable instructions na nakasaad kung papaano pagaganahin ang makina at itatago muna sa pangangalaga ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, ito ay upang masiguro na hindi magkakaroon ng tampering sa source code na gagamitin sa eleksiyon bilang kanilang transparency measure.

Sa kasalukuyan, nasa kustodiya ng COMELEC Information Technology Department ang source code habang hindi pa handa ang paglalagyan sa BSP.


Samantala, muli namang nagbabala si Jimenez sa mga aspirants na huwag magpaniwala sa mga indibidwal na mag-aalok na kaya nilang manipulahin resulta ng halalan kapalit ng pera.

Facebook Comments