Mamamahayag sa Samar, patay matapos pagbabarilin

Patay ang isang mamamahayag sa loob ng kanilang tindahan sa Calbayog City, Samar.

Kinilala ang biktima na si Jess Malabanan, 58 taong gulang at residente ng Langka St., Angeles City, Pampanga.

Si Malabanan ay correspondent ng Manila Standard, Bandera, at Reuters.


Batay sa inisyal na imbestigasyon, nanunuod ng telebisyon si Malabanan nang barilin ito nang malapitan ng mga hindi pa nakikilalang suspek.

Nadala pa ang biktima sa St. Camillus Hospital sa Calbayog pero idineklarang dead on arrival.

Kasunod nito, nananawagan ng hustisya ang mga grupo ng mamamahayag at umapela sa Philippine National Police na mapabilis na ang imbestigasyon at agad na maaresto ang mga salarin.

Facebook Comments