DUMEPENSA | AFP chief, itinangging galing sa AFP ang mga matataas na kalibre ng baril na nakuha sa Valenzuela

Pinabulaanan ni AFP Chief of staff Lieutenant General Benjamin Madrigal na sa Armed Forces of the Philippines (AFP) nanggaling ang matataas na kalibre ng baril na nakuha sa mag-asawang gunrunner na naaresto ng PNP noong linggo sa Valenzuela City.

Ayon Kay Madrigal, nakapagsagawa na sila ng inisyal na imbestigasyon at nakausap narin niya ang comamnding general ng army tapos na sa Lieutenant General Macairog Alberto at maging ang mga tauhan ng army logistics.

Kinumpirma aniya ng mga ito na hindi bahagi ng imbentaryo ng AFP ang dalawang assault rifle at handgun na nakuha sa mga suspek na sina Edgardo at Rosemarie Medel.


Ang halos 13,000 bala naman na nakuha sa mga suspek ay kasalukuyan aniyang tini-trace kung saan galing sa pamamagitan ng kanilang lot numbers.

Pero kaduda-duda aniya ang mga kahon na may tatak na “AFP” na pinaglagyan ng mga bala dahil hindi aniya ito Ang karaniwang olive-drab na kulay ng mga kahon ng bala ng militar.

Magkagayunpaman, may pinaghihinalaan na ang militar na source ng mga bala, na hindi pa nila maibunyag sa ngayon para mahuli muna ito.

Facebook Comments