DUMEPENSA | Andrea Brillantes, itinangging siya ang nasa likod ng fb post ng pagbanat niya sa kanyang mga bashers

Manila, Philippines – Nilinaw ngayon ng young actress na si Andrea Brillantes na hindi kanya ang facebook account na may pangalan niya na nag-post kamakailan bilang tugon sa mga bashers na tumatawag sa kanyang “bandwagoner”.

Ilang bashers kasi ang inakusahan si Andrea na nakikiuso o nakiki-fan lang naman sa kung sinumang sikat na musician ang trending sa kasalukuyan.

Sa naturang fake fb account, sinagot ng aktres ang fan-shaming sa kanya ng mga bashers at sinabing hindi niya ihihingi ng sorry ang pagiging fan niya sa kanilang idols.


Hinamon pa nito ang mga bashers na sabihin sa kanya face-to-face ang mga derogatory comments nila tungkol sa kanya.

Pero paglilinaw ni Andrea, hindi kanya ang fb account dahil tanging instagram lang ang meron siya.

Apela niya sa netizens, “stop the hate” at sa halip na magsagutan sa social media, matulungan na lang daw at magmahalan.

Facebook Comments