DUMEPENSA | Bela Padilla, nagsalita sa pagiging bad influence raw niya kay Maris Racal

Manila, Philippines – Nagsalita na ang aktres na si Bela Padilla na bad influence raw siya sa kapwa kapamilya actress na si Maris Racal.

Ang isyu ay nag-ugat nang nakitang magkasama sa isang event sina Bela at Maris, kung saan nakasuot ang dalawa ng sexy outfit.

Dito, maraming netizen ang nag-comment na mula nang maging magkaibigan daw ang dalawa ay saka nagmistulang liberated si Maris.


Bagaman at ayaw na niyang patulan, say ni Bela, mabuti siyang kaibigan kay Maris.

Sinabi ni Bela na para sa kanya, isa siyang positive friend sa lahat ng mga nakakasama niya.

Hindi rin daw niya pinapakialam ang buhay ni Maris at tanging advice lang sa trabaho ang kaya niyang panghimasukan.

Facebook Comments