Online application ng UPCAT, binuksan na

Manila, Philippines – Binuksan na ng University of the Philippines (UP) ang online application para sa mga nais kumuha ng entrance exam.

Gaganapin ang UP College Admission Test (UPCAT) sa Setyembre 15 at 16 para sa kanilang 15 campus sa buong bansa.

Narito ang deadline ng aplikasyon para sa UPCAT:


• Hulyo 27 – Metro Manila Private Schools
• Agosto 3 – Metro Manila Public Schools
• Agosto 10 – Regional Private and Public Schools

Batay sa post sa website ng UP, ipo-proseso lang ang mga aplikasyong natanggap matapos ang deadline sa Agosto 10 kung mayroon pang available na test permits.

Facebook Comments