DUMEPENSA | CAAP itinangging tauhan nila ang lalakeng nag-bomb joke sa NAIA

Manila, Philippines – Nilinaw ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na hindi nila tauhan ang isang lalake na nagbitiw ng bomb joke kahapon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na dahilan kung bakit naantala nang halos 7 oras ang Philippine Airlines flight PR2959 patungong Cotabato.

Ayon kay CAAP spokesperson Eric Apolonio ang lalakeng nagpakilalang empleyado umano ng CAAP ay si Saidona Singgon.

Sinabi ni Apolonio na base sa ipinakitang 2012 issued ID ni Singgon ito ay Airport Manager III ng Department of Transportation and Communication sa ARMM.


Pero paglilinaw ni Apolonio na hindi niya matiyak kung valid pa ang 2012 ID ni Singgon at hind na DOTC dahil DOTr na ngayong Duterte Administration.

Paliwanag pa nito na walang Airport Manager III position sa CAAP.

Hindi rin nito matiyak kung nag-eexist pa ang DOTC-ARMM.

Sa ngayon hawak na si Singgon ng PNP Aviation Security Group.

Alinsunod sa batas, magmumulta nang hindi bababa sa P40,000 at maaari ding makulong nang higit sa 5 taon ang sinumang mahuhuling mag-bomb joke.

Facebook Comments