Manila, Philippines – Dinepensahan ni Dept of Information and Communications Technology Secretary Eliseo Rio ang third telecom na Mislatel sa ginawang pagdinig ng Senate Committee on Public Service.
Ayon kay Sec Rio, malabo ang mga paratang na naging bias sila sa pagpili ng 3rd telco, dahil unang- una, ang mga dokumento lang naman na isinumite sakanilang tanggapan ang pinagbasehan sa pagpili.
Aniya, kumpleto ang dokumentong isinumite ng Mislatel. Habang mayroon namang mga dokumento na bigong naisumite ng PT&T telco kaya sila na disqualify.
Iginiit rin ng kalihim na walang naganap na pagbabago sa terms of reference, kagaya ng ibinibintang ng PT&T.
Sa kabila aniya ng pagiging transparent nila sa naging proseso ng bidding, mayroon pa ring mga paratang na naibabato sa kanila ang mga natalo sa bidding process
Kaugnay nito, pinadadalo naman sa susunod na pagdinig si Dennis Uy na isa sa mga mayari ng kumpaniyang nasa likod ng Mislatel Incorporated.