Ginang sa Sta. Maria Isabela, Arestado Dahil sa Sugal!

Sta. Maria, Isabela – Inaresto ng mga otoridad ang isang ginang sa Brgy. Quinagabian, Sta. Maria Isabela dahil sa kasong kinakaharap nito na Illegal Gambling.

Kinilala ang akusado na si Evangelina Babaran Alingod, 56 taong gulang, may asawa at residente ng Quinagabian, Sta. Maria, Isabela.

Naaresto si Alingod sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Jennifer S. Loveria ng MCTC San Pablo-Sta. Maria Isabela.


Makakalaya lamang ang akusado j\kung makakapaglagak siya ng piyansang nagkakahalaga ng Php24,000.00.

Sa ngayon si Alingod ay nasa himpilan ng PNP Sta. Maria para sa dokumentasyon bago dalhin sa court of origin nito.

Facebook Comments