DUMEPENSA | DOTr, ipinagtanggol ang kanilang Sec. Arthur Tugade dahil din sa umano’y ‘halik isyu’

Manila, Philippines – Ipinagtanggol ng Department of Transportation (DOTr) ang kanilang kalihim na si Arthur Tugade.

Ito ay matapos maging usap-usapan ang video kung saan makikitang hahalikan nito ang isang babaeng empleyado ng ahensya sa kanilang Christmas party games noong 2016.

Ayon kay DOTr Communications Director Goddess Libiran, nakakalungkot na ang mga kritiko ng administrasyon ay kailangang mag-ungkat ng mga lumang video ni Tugade at bigyan ng malisya ang pakikipagsayahan nito sa kanyang mga empleyado.


Giit ni Libiran, nagsasagawa lamang ng boodle fight noon at lubos na natutuwa ang mga empleyado na makasama nila si Tugade sa salo-salo.

Ang video ay uploaded sa facebook ng user na si ‘Pinoy Ako Blog’ noong June 4 na nakakuha ng 96,000 views at 1,600 shares.

Facebook Comments