DUMEPENSA | Grab Philippines, itinangging nagsasagawa ng ‘phantom bookings’

Manila, Philippines – Itinanggi ng Grab Philippines ang akusasyon ng kanilang kalabang Micab Systems Corporation na sila ay gumagawa ng ‘phantom bookings’ o pekeng ride bookings.

Ayon kay Grab Country Head Brian Cu, handa silang magsampa ng kasong libel laban sa Micab kung patuloy nilang igigiit ang akusasyon.

Aniya, nagsagawa sila ng internal investigation at kinukumpirma nila na ang pahayag ni Micab Chief Executive Officer Eddie Ybañez ay walang katotohanan at malisyoso.


Iginiit ng Grab na dapat maging responsible si Ybañez sa mga inilalabas nitong pahayag.

Sa ngayon, hindi pa mailabas ng Grab ang kumpletong resulta ng kanilang imbestigasyon.

Facebook Comments