WEATHER UPDATE | Maaliwalas na panahon na may mahihinang pag-ulan, asahan sa Metro Manila ngayong araw

Asahang gaganda na muli ang panahon sa halos buong bansa mga susunod na araw.

Dahil walang bagyo ang nagbabadya sa bansa.

Mahina rin ang hanging habagat kaya hindi magiging madalas ang pag-ulan.


Sa Luzon, buong araw ang ulan sa MIMAROPA at Bicol Region habang may thunderstorms sa Cordillera.

Maghapon ang katamtamang ulan sa halos buong Kabisayaan.

Asahan ang maghapong ulan sa Mindanao partikular sa Zamboanga Peninsula, Sulu Archipelago at ARMM.

Sa Metro Manila, maaliwalas ang panahon pero asahan ang mahihinang ulan.

Sunrise: 5:39 ng umaga
Sunset: 6:25 ng gabi

Facebook Comments