Manila, Philippines – Dumepensa ang kampo ni Vice President Leni Robredo matapos silang pagmultahin ng Presidential Electoral Tribunal (PET) ng P50,000 dahil sa paglabag sa subjudice rule.
Bunga ito ng pagbibigay ng statement sa media at pagtalakay sa isyu habang dinidinig pa sa korte ang electoral protest ni dating Senador Bongbong Marcos.
Sinabi ni Atty.Romulo Macalintal na sinasagot lang naman nila ang mga maling pahayag ng kampo ni Marcos.
Samantala sinabi naman ng abogado ni Marcos na si Atty.Vic Rodriguez na nirerespeto nila ang kautusan ng Korte Suprema at nangakong babayaran nila ang P50,000 na multang ipinataw sa kanila ng Supreme Court.
Facebook Comments