DUMEPENSA | Kris Aquino, muling iginiit na hindi ugaling mambully ng tao

81

Manila, Philippines – Muling iginiit ng TV host/actress na si Kris Aquino na nais lang niyang mabigyan ng leksyon ang magkapatid na sina Nicko at Atty. Jesus Falcis dahil sa ginagawa nilang paninira sa kanila.

Say ni Kris, harapin na lamang sana daw ni Nicko ang inihain niyang kasong qualified theft pero sa halip na makipag-usap ay naninira sa social media ang kapatid nitong abogado.


Dagdag pa ni Tetay, hindi din totoo na pinagbabantaan niya si Nicko at hindi nila ugali na mam-bully daw ng tao.

Sa huli, sinabi ni Kris na dahil sa ginawa ni Nicko ay nanganganib na mawala sa kaniya ang mga endorsements contracts na kaniya daw pinagkaka-kitaan.

Facebook Comments

From Advertisers