DUMEPENSA | Lotlot De Leon, bumuwelta sa netizen sa isyu ng pagiging ampon nito

73

Manila, Philippines – Hindi napigilan ng aktres na si Lotlot De Leon na patulan ang isang netizen na pinaratangan silang magkakapatid na pinabayaan na daw nila ang kanilang ina na si superstar Nora Aunor.

Nag-ugat ito sa instagram post ni Lotlot kung saan makikita sa picture na kumpleto silang magkakapatid: siya, sina Ian, Matet, Kiko at Kenneth pero wala ang kanilang ina.

Tinawagan daw at imbitado sa naturang reunion ang kanilang ina pero nataong busy raw noong araw na iyon ang aktres kaya hindi ito nakarating sa reunion ng kanyang mga anak.

Sa kanilang limang magkakapatid, si Ian lamang ang biological son ng superstar sa dati nitong asawa na si Christopher De Leon.

Sina Lotlot, Matet, Kiko at Kenneth ay pawang adopted o ampon.

Maraming netizens ang natuwa sa pagsasama-sama ng magkakapatid, pero mayroon ding ilang humusga.

Ipinost ni Lotlot ang screenshot ng komento ng naturang netizen sa kanyang IG at sinabing “hurtful and slanderous” ang sinabi ng netizen, na mababa raw ang tingin sa mga ampong kagaya niya.

Facebook Comments