HINDI PINAYAGAN | Jordan Clarkson, hindi umano pinayagan na makapaglaro sa Asian Games

120

Hindi umano pinayagan ng NBA na maglaro sa Asian Games sa Indonesia sa ilalim ng Pilipinas ang Filipino-American player ng Cleveland Cavaliers na si Jordan Clarkson.

Bagaman at wala pang opisyal na kumpirmasyon mula sa Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) at ng coaching staff ng Philippine National Basketball team, inilutang naman ng Gilas Pilipinas social media account na ang impormasyon ay mula umano sa multiple sources.

Una rito, kagabi ay nagbigay ng go signal ang Asian Games organizing committee doon sa Jakarta, Indonesia na pinapayagan na maglaro sa ilalim ng bandila ng Pilipinas si Clarkson.

Dahil dito, isinama ni Guiao si Clarkson sa mga pangalan ng 12 mga players sa Asian Games kaya natanggal si Trollano.

Facebook Comments