Itinanggi ng Malacañang na pinaalis ang mga paring dumalo sa ceremonial turn-over ng Balangiga bells nitong Sabado, December 15.
Matatandaang inihayag ng Diocese of Borongan sa Facebook na ang mga pari kabilang ang Borongan bishop, archbishop ng military ordinariate ng Estados Unidos, at ang Apostolic Nuncio Gabriele Caccia ay pinagsabihan ng mga miyembro ng Presidential Management Staff (PMS) na umalis ng Balangiga Plaza.
Iginiit din ng Diocese na nais lamang ng Pangulo na manatili sa seremonya ay si Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) President, Bishop Romulo Valles.
Pinayuhan din ang mga pari na dumalo na alisin ang kanilang Roman collars upang hindi maagrabyado ang Pangulo.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo – hindi abilidad ng Pangulong Rodrigo Duterte na gumawa ng ganitong klaseng kautusan subalit kung nangyari ito, hindi ang Pangulo ang nag-utos nito.
Dagdag pa ni Panelo – wala naman siyang nakitang insidente sa seremonya na nagpapatunay na nangyari ito.
Pero tiniyak ng Palasyo na iniimbestigahan na ito.