BUMWELTA | Kapangyarihan ng isang opisyal, hindi dapat gamitin sa ‘pambu-bully’ – Cardinal Tagle

Nanindigan si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na hindi dapat gamitin ang kapangyarihan para siraan at ibagsak ang ibang tao.

Ayon kay Tagle – itinuturing na ‘bully’ ang mga may kapangyarihan para maliitin ang iba.

Sila aniya ang mga takot at inggit.


Bagaman at walang pinapatamaan si Tagle sa kanyang homily, matatandaang ang simbahang Katolika at mga lider nito ay madalas na binabanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments