DUMEPENSA | Malacañang, itinangging walang ginagawa ang gobyerno sa militarisasyon ng China sa West Philippine Sea

Manila, Philippines – Inityapuwera ng Malacañang ang huling survey ng Social Weather Stations (SWS) na apat sa bawat limang Pilipino ang hindi sang-ayon sa kawalan ng aksyon ng gobyerno sa militarisasyon ng China sa West Philippine Sea.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi hahayaan ng gobyerno na ma-angkin ng ibang bansa ang teritoryo ng Pilipinas.

Itinanggi rin ni Roque na walang ginagawa ang gobyerno sa usaping ito.


Muli ring binanggit ni Roque ang pahayag ng Pangulo na hindi nito isusuko ang alinman sa teritoryo ng bansa.

Aniya, kapag may ginawa ang China na labag sa ating soberensya ay ipinapahayag natin ang ating protesta sa pamamagitan ng diplomatikong pamamaraan.

Sa ngayon, mayroong bicameral consultative mechanism kung saan dito tinatalakay ng Pilipinas at China ang usapin sa West Philippine Sea.

Facebook Comments