DUMEPENSA | Mga paninira sa kalihim ng DOLE walang batayan ayon sa isang opisyal ng recruitment agency

Manila, Philippines – Naniniwala ang isang opisyal ng recruitment agency na walang mga batayan ang lahat ng mga akusasyon laban sa kalihim ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Ayon kay Coalition of Licensed Agencies Deploying Services President Lucy Sermonia walang mga batayan ang lahat ng mga paninira sa kalihim ng Department of Labor and Employment (DOLE) dahil isa lamang itong demolition job kay Labor Secretary Silvestre Bello III.

Sa ginanap na Forum sa Samahang Plaridel Kapihan sa Manila Hotel sinabi ni Sermonia na nagpahayag ng Manifesto of Support dahil naniniwala sila na walang bahid na kurapsyon si Bello at lahat ng kanilang mga idinudulog na problema ay agad na tinutugunan ng kalihim.


Paliwanag pa ni Sermonia na malaki ang kanilang pag-asa na hindi mapapatalsik sa pwesto si Bello dahil ginagampanan lamang ng kalihim ang kanyang trabaho at patas ang kanyang pagtingin sa lahat ng mga recruitment agencies at walang batayan ang paninira sa kalihim na I-DOLE.

Giit ni Sermonia na walang sinisingil ang I-DOLE at hindi nito malaman kung saan galing ang sinasabing 720 pesos na singil ng I-DOLE.

Facebook Comments