DUMEPENSA | Mga senador, ipinagtanggol si Sec. Diokno

308

Manila, Philippines – Ipinagtanggol nina Senators Sonny Angara, Sherwin Gatchalian at Finance Committee Chairperson Senator Loren si Budget Secretary Benjamin Diokno laban sa mga panawagan na sibakin na ito sa pwesto.

Tiwala si Senator Angara, sa kakayahan at integridad ni Secretary Diokno ay magpapatunay aniya niyo ang mga nakasama ng kalihim sa paglalatag ng pambansang budget at bilang professor ng University of the Philippines.

Para kay Angara, karapat-dapat lang manatili ang tiwala ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Diokno.

Wala ding nakikitang dahilan si Senator Gatchalian para matanggal sa pwesto si Diokno dahil kilala niya itong istrikto, dapat at matuwid na public servant.

Sabi ni Gatchalian, patunay nito ang tiwalang ibinigay kay Diokno ng tatlong naging Pangulo ng bansa.

Maging si Senator Legarda ay nagbigay diin sa hindi matatawarang galing at integridad ni Diokno.

Tiniyak ni Legarda na mananatili ang buong suporta niya kay Diokno na kapuri-puri ang pagtupad sa tungkulin.

Bago ito ay iginiit ni Senator Panfilo Ping Lacson na kalabisan at hindi patas para kay Diokno ang panawagang alisin ito sa pwesto dahil ang mga alegasyon dito ay espekulasyon lamang at hindi suportado ng matitibay na ebidensya.

Facebook Comments