DUMEPENSA | Pag-utos ng ‘people’s war’, itinanggi ng CPP Founder Joma Sison

Manila, Philippines – Iginiit ni Communist Party of the Philippine (CPP) Founder Joma Sison na hindi niya iniutos ang paglulunsad ng giyera.

Ayon kay Sison, inihayag lang niya ang kaniyang obserbasyon kasunod ng pagkansela ni Pangulong Rodrigo Duterte sa peace talk.

Aniya, ngayong nagpapakita ng kawalan ng interest ang administrasyon sa usapang pangkapayapaan ay walang ibang opsyon ang mga rebelde kundi maglunsad ng giyera.


Sabi pa ni Sison, hindi siya uuwi ng Pilipinas gaya ng imbitasyon sa kaniya ni Pangulong Rodrigo Duterte hanggang hindi nalalagdaan sa foreign neutral venue ang interim peace agreement.

Facebook Comments