NAKASUPORTA | Sen. Gordon, suportado ang pagsasagawa ng peace talks sa Pilipinas

Manila, Philippines – Suportado ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon na dapat sa Pilipinas gawin ang pagpapatuloy ng peace talk.

Ayon kay Gordon, ito ay para malaman kung kontrolado pa rin Communist Party of the Philippine (CPP) Founder Jose Maria Sison ang New Peoples Army (NPA).

Malaki rin aniya ang matitipid ng gobyerno sakaling gawin sa Pilipinas ang peace talks.


Kasabay nito, hinamon naman ni Gordon si Sison na umuwi ng Pilipinas at makipag-usap sa gobyerno.

Facebook Comments