DUMEPENSA | Pagkakaaresto sa NDF consultant, tama lang – ayon sa Malacañang

Manila, Philippines – Dinipensahan ng Palasyo ng Malacañang ang mga otoridad matapos nitong maaresto ang NDF Consultant na si Vic Ladlad.

Ito ang ginawa ng Malacañang sa harap narin ng pagkontra ng mga makakaliwang gupo kung saan sinasabi ng mga ito na invalid o iligal ang pagaresto ng mga pulis kay Ladlad dahil wala namang warrant of arrest na hawak ang mga Pulis at protektado ito ng JASIG – Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, gumagana lamang ang JASIG kung mayroong nagpapatuloy na peace talks sa pagitan ng gobyerno at ng rebeldeng grupo.


Pero dahil sa naging kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2017 ay pinuputol na nito ang pagkikipagusap sa CPP-NPA-NDF.
Binigyang diin din ni PANELO na ang rebellion ay isang continuing crime kaya maaari itong dakipin ng walang warrant of arrest.

Facebook Comments