Tumakas na Kasabwat ng Suspek na Nanlaban at Napatay sa Isang Checkpoint sa Ramon, Isabela, Tuluyang Nasakote sa Paracelis, Mt Province!

*Ramon, Isabela- *Naka-Hospital arrest na ngayon ang isa pang suspek na kasama ng napatay na Wanted Person na si Rolly Amayad Eguid  makaraang tumakas sa ikinasang Checkpoint ng PNP Ramon sa P-7 brgy San Miguel, Ramon, Isabela.

Sa mismong panayam ng RMN Cauayan News kay Police Chief Inspector Lord Wilson Adorio, hepe ng PNP Ramon, Isabela, nakatakda nang dalhin sa korte ng PNP Ramon ang nahuling suspek na si Jestoni Occas Bungan, 24 anyos para sa Inquest Proceedings matapos malaman ng kapulisan na nagpagamot ito sa isang ospital sa Paracelis, Mt Province.

Kaugnay nito ay inihahanda naman ng PNP Ramon ang kasong Carnapping laban kay Jestoni dahil sa carnapped na motorsiklong ginamit kasama ang angkas na si Eguid.


Bukod pa rito ay inaalam na rin ng PNP kung si Jestoni  Bungan ay kasama rin ni Rolly Eguid sa naganap na karumal-dumal na krimen noon sa isang Computer shop sa bayan ng Ramon.

Samantala, nagsagawa ng Press Conference ang PNP Ramon at Isabela Police Provincial Office (IPPO) kaninang umaga kaugnay sa kanilang matagumpay na operasyon laban kay Rolly Iguid na nahuli at napatay matapos manlaban sa Checkpoint.

Matatandaan na noong gabi ng Oktubre 14, 2018 ay tinangkang gahasain ni Rolly Eguid ang isang dalaga, binaril at napatay ang sumaklolong kuya nito at tinangay ang mga Cellphones ng mga customer ng kanilang binabantayan Computer shop sa naturang bayan.

Facebook Comments