DUMEPENSA | Pagmaniobra sa pagpasa ng draft federal constitution, itinanggi ni Speaker Arroyo

Manila, Philippines – Itinanggi ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na minaniobra ng kanyang liderato sa House of Representatives ang pagpasa sa ikalawang pagbasa ng draft federal constitution.

Ayon kay Speaker GMA, dumaan sa demokratikong proseso ang isinagawang pagpasa ng Kamara sa ikalawang pagbasa sa Resolution of Both Houses no. 15.

Pinagdebatehan aniyang mabuti sa plenaryo ang RBH 15 at pinagbotohan ito ng mga mambatas.


Umaaasa rin aniya siyang mapagbobotohan na sa ikatlong pagbasa ang resolusyon sa Lunes, Disyembre 10.

Ang RBH no. 15 ay nagsusulong ng Presidential-Bicameral-Federal System of Government at binibigyang kapangyarihan ang Kongreso ng federal states sa pamamagitan ng pag-convene bilang isang Constituent Assembly (Con-Ass).

Facebook Comments