Manila, Philippines – Ipinagtanggol ni Senate President Tito Sotto III ang Commission on Elections o Comelec dahil sa pagpayag nito na samahan si Special Assistant to the President Bong Go ng higit sa apat na katao ng maghain ng Certificate of Candidacy o COC.
Nauunawaan ni Sotto, na hindi kinayang ipatupad ng Comelec ang mahigpit na patakaran na hanggang apat lang ang maaring sumama sa sinumang kandidato na papasok sa loob ng Comelec para maghain ng COC.
Paliwanag ni Sotto, sinamahan kasi si SAP Bong Go ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi naman pwedeng pumasok sa loob ng Comelec nang walang kasamang miyembro ng Presidential Security Group o PSG.
Katwiran ni Sotto, hindi naman pwedeng palabasin o palayuin ng Comelec ang mga miyembro ng PSG mula sa Pangulo ng ating bansa.