DUMEPENSA | Pahayag ni PRRD na gumagamit siya ng marijuana, ipinagtanggol

66

Manila, Philippines – Dinepensahan ni dating Special Assistant to the President Bong Go si Pangulong Duterte mula sa mga banat ng kritiko nito.

Partikular na sinagot ni Go ang mga banat sa Pangulo patungkol sa kontrobersyal nitong biro na siya ay gumagamit ng marijuana para manatiling gising sa kanyang mga trabaho.

Sa ginawang pagdalo ni Go sa pagtitipon ng Liga ng mga Vice Mayors sa Pilipinas sa Manila sinabi nito na alam ng publiko na ang sinabi ng Pangulo ay biro lamang.

Giit nito nagma-marijuana ang Pangulo pero pampawala ng antok, punto na taliwas sa totoong epekto ng naturang ilegal na droga na kilala bilang isang downer.

Kasabay nito ay nagpahayag din si Go ng pagsuporta sa martial law extension sa Mindanao.

Aniya bilang isang residente sa naturang lugar ay nakikita niya ang kapayapaan sa tuwing nagkalat ang mga militar at pulis sa kalsada.

Hindi pa rin aniya tapos ang banta ng terorismo sa lugar kaya tama lang aniya na palawigin pa ang martial law sa Mindanao.

Facebook Comments