DUMIPENSA | Associate Justice Teresita de Castro, iginiit na ginawa lang ang trabaho at hindi pinersonal si ousted CJ Sereno

Manila, Philippines – Dumipensa si Associate Justice Teresita Leonardo-De Castro sa pagsali nito sa botohan sa quo warranto petition na nagpatalsik kay Ousted Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Sa concurring opinion ni De Castro, ginawa lamang niya ang kanyang trabaho at hindi niya pinersonal si Sereno.

Umalma rin si Associate Justice Lucas Bersamin sa pagtawag sa kanila ni Sereno na ‘bias’, iginiit ni Bersamin na patas niyang pinagdesisyunan ang quo warranto.


Para naman kay Associate Justice Diosdado Peralta, walang ipinakitang matibay na ebidensya na naging bias siya sa dating chief justice.

Nasaktan naman si Associate Justice Samuel Martires sa pagtawag sa kanya ni Sereno na ‘faith shamer’.

Tinawag naman ni associate justice francis jardeleza na ‘inhumane’ at ‘not of a normal person’ ang mga aksyon ni sereno.

Facebook Comments