Manila, Philippines – Dumipensa ang Grab Philippines sa 80 at 125 pesos na minimum fare na ipinapataw nito para sa GRAB car at GRAB premium
Ayon kay Leo Gonzales ng Grab, 40 pesos talaga ang base fare na sinisingil, gayunman kapag ang biyahe ay nasa 3 kilometro lamang, 80 pesos ang ipinapataw nila
Ganito rin aniya ang katwiran kaya 125 ang minimum fare para sa GRAB premium taliwas sa 70 pesos base fare na alam ng LTFRB
Iginiit ni Gonzales na lugi ang mga biyahe na nasa 3 kilometro lamang ang distansiya kayat dapat proteksyunan ang interes ng mga driver.
Kinuwestyon naman ito ni Congressman Jericho Nograles na dumalo sa pagdinig sa pagsasabing hindi ito patas para sa mga pasahero at walang pahintulot mula sa board.
Facebook Comments