DUMISTANSYA | Malacañang, hindi mangingialam sa usapin ng pagpapalit ng liderato sa Senado

Manila, Philippines – Hindi mangingialam ang Malacañang sa desisyon ng Senado kaugnay sa pagpapalit nito ng liderato.

Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, sa gitna ng usapin na nasa 14 na senador na ang pumipirma sa draft resolution kung saan itatalaga si Majority Floor Leader Tito Sotto III bilang susunod na senate leader.

Ayon kay Secretary Roque, karapatan ng mga senador na pumili kung sino ang nais nilang iluklok na mamumuno sa kanila.


Irerespeto aniya ng palasyo, kung ano man ang magiging desisyon ng mga Senador.

Matatandaang lumabas ang draft resolution na naglalayong magpalit ng liderato sa senado kung saan nakapirma sina: Senator Recto, Angara, Legarda, Ejercito, Binay, Gatchalian, Escudero, Gordon, Honasan, Lacson, Pacquiao, Villanueva, Villar at Zubiri.

Facebook Comments