Dump truck nahulog sa dalawang bahay sa Barangay West Rembo, Makati City

Patuloy na gumagawa ng paraan ang Makati City rescue team para tuluyang maiangat ang isang dump truck na nahulog sa brgy. West Rembo, Makati City.

 

Sa paunang imbestigasyon, nakalimutan ng hindi pa nakikilalang driver na mag-hnda break kaya’t nagtuloy-tuloy ang truck ito sa kalye ng upper plaza street malapit sa Kalayaan Avenue.

 

Dalawang bahay ang nadamay sa insidente kung saan wala naman nasaktan na mga residente maging ang sakay ng dump truck.


 

Dumating na din ang crane na pag-aari ng city hall na siyang mag-aangat sa truck habang hawak naman na ng mga otoridad ang driver nito.

Facebook Comments